Tuesday, January 27, 2009

MY ILLUSTRATED SHORT STORIES Part 1

MAGANDANG araw mga kapatid. Tunghayan n'yo ang dalawa sa mga ginawa kong short stories noong nasa komiks pa ako. It does'nt mean na ang dalawang ito ang pinakamagagandang nagawa ko kaya ang mga ito ang inuna ko. Ang dalawa lang ito ang una kong nahugot sa patas ng isang rekwa kong files ...

KOMIKS: Extra Special
BILANG: 1727
TAON: 28
PETSA: Abril 22, 1994

TITLE: Ano ga 'yaaan?!
WRITER: Alquin M. Pulido
ILLUSTRATOR: Ruben Javier
EDITOR: Kc Cordero

(note: just click the page para sa mas malaki at mas malinaw na pagbabasa. thanks.)





KOMIKS: Pogi
BILANG: 1307
PETSA: Pebrero 19, 1997

TITLE: Bunga ng Kayabangan
WRITER: Alquin M. Pulido
ILLUSTRATOR: Mel C. Capital
EDITOR: Baby Alacar




Batikan at beterano pareho ang mga illustrators ko sa dalawang short stories na ito. Si RUBEN JAVIER, elementarya pa lang ako ay nakikita ko na ang kanyang mga obra sa komiks. Marami siyang nakatambal na magagaling at mga sikat na manunulat, kaya't sobrang proud ako at naging illustrator ko siya.

Beterano rin at napakahusay nitong si MEL C. CAPITAL lalo na sa comedy. Una kong hinangaan ang dibuho niya sa nobelang "TOM DULING" na hindi ko na ma-recall kung sino ang nobelista. Ipinagmamalaki kong naging illustrator ko siya.

Mga kapatid, remind ko lang 'yong mga joke books ko na BAL & SUBAS, TOPAK-ATTACK, PINOY DYOWK ACADEMY AT BULILIT SYNDICATE. Mabibili ang mga ito sa all branches ng National Book Store at iba pang book stores at magazine stands. Sana ay suportahan n'yo ako sa mga ito, pliiiiiiiiiiz!!! Click n'yo na lang sa archive ang "Silver Pages Publishing" for more details.

Maraming salamat at GOD bless sa inyong lahat. Hanggang sa susunod.

No comments:

Post a Comment