
Hello, mga kapatid! Welcome sa "ANAK NG SINING" kung saan ay matutunghayan n'yo ang mga ginawa kong short stories, novels and cartoons sa komiks since late 80's to early 90's. Pinili ko lang ang alam kong su-swak sa inyong mga panlasa para na rin sa inyong ikasisiya.
Nakakalungkot isipin na ang industriya ng komiks ay tuluyan nang nalugmok dahil sa samu't saring kadahilanan. Tuluyan na yatang mabubura sa "mapa" ng entertainment ang libangang ito na minana pa natin sa ating mga aguwelo at aguwela. Iilan na lang ang mga tulad ko na hanggang ngayon ay tutoong nagmamahal pa rin dito.
Hindi ko iniwan ang komiks hanggang sa magmistula itong barko na lumulubog. Napilitan na lang akong "tumalon" nang mahulo kong mamamatay na ako dahil hindi ko kaya itong iahon nang mag-isa o naming iilan na lang na nagpapahalaga rito. Hindi ako takot mamatay. Ayaw ko lang mamatay dahil may pangarap o misyon pa akong ibig isakatuparan ... ang ibalik ang ningning ng komiks!
Suntok marahil ito sa buwan dahil minsan ay may isang "hari" na nagtangkang ibangon ang "kaharian" ng komiks, pero tila nauwi rin lang sa wala. Suntok man ito sa buwan, susuntok ako!
Pero sino ba ako? Ako ba ay isa ring "hari?" Well, isa lang po akong abang manunulat na nagkaroon ng maliit na pangalan sa larangan ng komiks. Pero hindi mawala-wala at patuloy pa rin sa paglaki ang pangarap na nakahinang na yata sa aking puso ... ang umasenso sa larangang ito ng sining.
Minsa'y naging katuwang ko sa pangarap na ito ang aking mahal na kapatid, pero bumalik siya sa PANGINOON na isang gutom. Naiwan akong mag-isang lumalaban. Isa pa ring gutom na alagad ng sining hanggang ngayon. Pero hindi ako susuko. Tuloy-tuloy lang ang laban!
Hindi pansariling interes lamang ang dahilan kung bakit gusto kong umasenso. Gusto ko ring matulungan ang mga kapwa ko writers at illustrators na ngayon ay walang publishing na mapaggawaan. Sayang ang hindi matatawarang talento nila na ngayon ay nabuburo lamang.
Salamat sa DIYOS, sa pamamagitan ng hindi birong pagsisikap ko at sa tulong na rin ng mga taong tutoong nagmamalasakit sa akin ay naitatag ko ang Silver Pages Publishing. Dito mag-uugat ang pag-usbong ng walang kamatayan kong pangarap.
Dahil kapos ako sa pera, marami akong nilapitang tao para makapagtayo ng isang publishing. Mga taong naglulungad sa pera. Pero walang nangyari. At sa maniwala kayo't sa hindi, isang karaniwang empleyada lang ang nakatugon sa aking problema para maging posible ang bagay na ito. Isang pangkaraniwang tao na mayaman ang malasakit at pagmamahal sa kapwa. Mundo, ipinagmamalaki ko pong ipakilala sa inyo ang aking hipag. Si Espie. Maraming salamat, Sis!
Gusto ko ring pasalamatan ang aking si Tita Opi na buo ang tiwala sa aking kakayahan. Siya lagi ang nagbibigay sa akin ng mapapagkakitaan sa oras ng kagipitan. Maraming salamat din sa aking kumpareng guwapo pa kay Edu Manzano na si Karlo Cesar Cordero a.k.a. KC Cordero (na noong hindi ko pa nakikita e idinambana ko sa aking puso sa pag-aakalang siya ay isang babae.) Isa siya sa tumulong para makapagtayo ako ng publishing. Tulad ni Tita Opi, isa rin siyang napakahusay na writer at editor. Sa kasalukuyan ay associate editor siya ng "The Buzz Magazine" at ng iba pang matatagumpay na babasahin ng ABS-CBN. Ang kompanya na 5 years ko ring pinaglingkuran bilang isang comedy writer. Ang huli kong pinagsulatan sa kanila ay ang "Goin' Bulilit". Sa Puntong ito ay gusto kong pasalamatan sina Headwriter Sherwin Buenvenida at Creative manager Ricky Victoria na siyang tumulong sa akin para makapagsulat sa naturang matagumpay at award winning na show. Ganoon din ang magaling na direktor na si Direk "Bobot" Mortiz. More power!
At siyempre, gusto ko ring pasalamatan ang aking circulation manager na si Armand Loquias na walang kahilig-hilig sa tsiks. One woman man, or should I say: woman hater? Siya po ang nag-aalok na parang bibingka sa mga book stores at magazine stands ng aking mga joke books. maraming salamat, Bro! Pasens'ya ka na muna kung kulang na kulang tayo sa barik, he he he!
Sisikapin po namin na maging matagumpay ang Silver Pages Publishing para pagdating ng araw ay makapag-publish din ako ng mga komiks. Miss na miss ko na ang mga kasamahan kong writers & illustrators. 'Yong mga ngiti n'yo at tango kapag nagkakabungguang-balikat tayo sa editorial office ng Atlas Publishing noon. Magkikitakitz uli tayo at magkakatrabaho someday. Promise!
Marami pa ring tao ngayon ang may mabubuting kalooban. I know susuportahan nila ang publishing namin tungo sa tagumpay ... sa tagumpay nating lahat.
Sa ngayon ay ako muna ang gumawa ng scripts & illustrations ng mga joke books (wala pa kasing pambayad sa writer at illustrator) na mabibili na ngayon sa lahat ng branches na National Book Store at iba pang mga book stores at magazine stands sa bansa. Naglunsad ako ng apat na titles sa ilalim ng Pinoy Komedi Haws. Narito po ang mga pabalat at ilang patikim ng kanilang mga jokes na tiyak na kagigiliwan n'yong lahat ...
BAL and SUBAS
ANG CRAZIEST DUO NA SUMMA CUM LAUDE SA KALOKOHAN
ANG CRAZIEST DUO NA SUMMA CUM LAUDE SA KALOKOHAN







hi Al,
ReplyDeletewow...believe talaga ako sa galing mo. kilala na kita at alam ko ang kakayahan mo. pero mas lalo akong bumilib sa mga nakita ko sa blog mo.
galing mo talaga.
ngayon pa lang eko-congrats na kita sa magiging tagumpay ng SILVER PAGES.
ang JOKE BOOKS ni Alquin Pulido ang magsisilbing pinto upang muling magbalik ang tunay na libangan ng mga Pilipino...ang KOMIKS.
isa din akong manunulat na katulad ni Alquin Pulido. isang hamak na manunulat na gusto ring subukan ang mundong ito.
marami ang nagsasabi na ang nakakaintindi lang sa isang manunulat ay ang kapwa n'ya rin manunulat.
sa isang banda ay tama sila. kaming mga manunulat ay malalim kung mag-isip minsan, na kahit simpleng isip ng tao ay hindi kami maintindihan.
pero dahil sa mga sinusulat namin ay naiintindihan kami ng ilan.
hindi man kasing utak ng manunulat ang mambabasa ng aming nilikha, sapat na ang kasiyahang naibibigay nito sa kanila upang kami ay maintindihan.
ang JOKE BOOKS ni ALQUIN PULIDO ay isa lang sa mga daan ng pakikipag-usap niya sa lahat.
kaya CONGRATULATION sa iyo kaibigan Al...i'm sure first day pa lang ng libro mo SOLD OUT na...BLOW OUT ha!
pa-BURGER ka naman d'ya hehehe!!!
survivor ladies,
ReplyDeletesalamat sa buong tiwala mo sa aking kakayahan. hamo't mas gagalingan ko pa ang aking mga ginagawa. at sana nga ay magtagumpay ang aking publishing para matupad ang mga kapaki-pakinabang kong hangarin sa kapwa. again, thank you very much and GOD bless!
pare,
ReplyDeletewelcome sa blogworld. :)
ok itong blog mo bro... teka, sabi mo padadalhan mo ako ng jokebook mong bago? hehehehe....
ReplyDeleteAlquin!!! Remember me, Jimboy Antonio?! Hahaha, sa wakas natagpuan na kita!
ReplyDeletePara sa mga di nakakaalam, ako'y avid fan ni Alquin mula pa nung late 80's (remember Ayos!, True Horroscope Stories, Mass Media Publishing at Atlas Komiks days?) at madalas kami magpalitan ng liham nun, idol ko kasi sya. Both for his writing and illustrating talents. Siya nag-inspire sa akin na pasukin ang makulay na mundo ng komiks at the tender age of 12, haha.
Thank God sa internet, nagtapo ulit landas namin ng idol ko!
Jimboy
www.myspace.com/jimantonio